Keri ko ‘to!

Minsan nakakapagod ding maging strong. Nakakalungkot. Nakakaiyak. Dahil sa strong ka minsan wala ng nagtatanong sa iyo kung okay ka pa ba? kung kaya mo pa ba? Alam kasi nilang strong ka. Akala nila kaya mo talaga pero ang hindi nila alam hinihintay mo lang ang mahigipt nilang yakap habang sinasabi ang mga katagang “Hindi ka nag-iisa, kakayanin natin ‘yan.” 

Pero sa realidad mag-isa mo lang na lumalaban.  Wala kang choice kundi maging strong para sa iyong sarili. Wala kang choice kundi ngumiti nalang kahit ang sakit sakit na. Wala kang choice kundi tumawa nalang. Magpanggap na masaya, magpanggap na maayos ang lahat dahil ayaw mo silang saktan o ayaw mo silang masaktan kapag sinabi mo ang talagang laman ng puso mo; ang totoong dahilan ng mga pagluha mo. Kaya wala kang choice, kundi kayanin at itago sa sarili ang totoong nararamdaman.

Mag-isa at matapang mong hinaharap ang lahat ng mga pagsubok sa buhay. Dumarating ka sa point na mapapaupo ka nalang sa iyong kama, titingala sa kisame habang tumutulo ang iyong mga luha. Mabigat ang ganoong eksena, pero dahil strong ka alam mong lilipas din ang lahat.

Ang isa pa sa problema ng pagiging strong ay ang pagkakaroon ng ‘soft heart’. Dahil sa soft heart mong taglay,’yung iba ganoon na lang kung saktan ka. Sasaktan ka nila at pinili kang saktan dahil alam nilang hindi ka gaganti, alam nilang sa kabila ng ginawa nila sa iyo ay mapapatawad mo sila. Para kasi sa kanila, okay lang na saktan ka. Alam mo kung bakit? Strong ka kasi na kaya mong lampasan ang pain na naidulot nila; na kaya mong ngumiti at makabangon muli. Soft-hearted ka kasi kaya sasamantalahin na abusuhin at saktan. Alam kasi nila na kaya mong magpatawad; na kaya mong kalimutan ang lahat; na kaya mo silang mahalin ulit.

Ang hirap. Ang sakit ng ganitong pakiramdam pero at the end of the day, mapapasalamatan mo ang pagiging strong at soft-hearted person mo kasi alam mong lahat ng pagsubok ay malalampasan mo.

Higit sa lahat, maiisip mong hindi ka talaga nag-iisa kasi kasama mo ang Ama. 🙂 Kaya, kering-keri ko ‘to! 🙂

-30-

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s