Ozom prends! ♥♥♥

After 5 years, nagkita kita kami ulit ng highschool friends ko last saturday, June 13, 2014. Seems like ito  na rin yung way namin ng pagcelebrate sa Independence Day, malaya kami sa kaniya-kaniyang trabaho. Amen. 
 
Umayon naman ang pagkakataon kasi hindi ko schedule sa work.
 
I was really so excited that day. Namiss ko din kasi sila ka bonding lalo na si Bez Deus all the way pa from Texas.
 
Nagkita kita kami sa SM North, well gaya ng dati. Naghintay na naman ako, ako naman kasi palagi yung naghihintay.  (medyo may hugot) 🙂
 
Pero worth the wait kasi I was able to see and hug them again.
 
Pinakuling dumating si Tala. Hehe.
 
Tambay muna kami sa Gongcha, grabe halos hindi na matapos tapos ang kwentuhan. Sa 5 years na yun ang dami daming nangyari. Huli kasi kaming nagkita kita noong debut ni Clairine.
 
Si Bez Dong, isa ng Marine Engineer, at nakarating nasa ibat ibang bansa. Inaasar ko nga kasi mabuti pa sya nakasakay na ng barko at eroplano, pero sabi nya hindi nya raw gusto yung feeling kasi nakakahilo raw. Hehe
 
Single pa sya pero patay na patay kay Clairine. Hahaha! 
 
Si Clairine, well since madalas naman kaming magkita sa bangko parin sya, problemado nga lang kasi minsan na-sho-short yung pera na binibilang nya. Marami syang kwento about sa Bank Transactions and all pero hindi ko magets mga termino nya. Hahaha
 
Si Tala, si Tala na classmate ko noong grade 5 at 4th year highschool. Sa 5 years na yun ang daming nangyari sa buhay nya. Nagulat nalang kami sa mga kwento nya, mula sa lovelife hanggang sa usaping pamilya. Mas pinili na lang daw kasi nyang manahimik at huwag magkwento. I admire her, for being so strong. 
 
Mangiyakngiyak nga kami sa kwento nya about her Mom who passed away. Haay ayoko ng ikwento dito, basta alam mo naman siguro yung nakakalungkokt-kasi-nawalan-ka-ng-mahal-sa-buhay-at-wala-kang-magawa-feeling. Yun na!
 
Ako naman, kamusta naman ako after 5 years. Well according to them ang ganda ko raw hahahaha. ganyan talaga pag kaibigan, and hindi parin daw ako nagbabago in the sense na may dala parin akong mga kwento o salita na nakakatawa. Yun daw ang pinaka namiss nila sa akin ang pagiging bubbly person ko. 
 
Nag throwback din kami sa masasayang alaala noong higschool. Puro kami that feeling, that feeling. 🙂
 
At syempre hindi mawawala ang picture moments, na nawili silang gawing monopod ang kamay ko, dahil nga raw sa mahaba. Para-paraan! 😀
 
Halos ayaw na naming maghiwa-hiwalay, umuwi kami mag-a-alas onse na ng gabi. Minsan pa ulit akong ginabi ng uwi dahil sa kanila. 🙂
 
Yung araw na nagkikita kami, punong punong ng saya at malulutong na tawanan. Lahat kami ay may baong kwento at naisip namin na hindi na kami bata, na hindi na kami gaya ng dati dahil ngayon ay may kaniya-kaniya na kaming responsibilidad sa buhay.
 
♥ ♥ ♥
 
 
 

Image

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s