#LIBRO DAYS

Kanina.. Naisipan kong mag browse sa mga album sa facebook account ako, at ito ang nakita ko.

ImageImageImage

Isa na nga sa pinaka namimiss ko nung sa akin pa yung oras ko ay ang maging laman ng Bookstore, lalo na sa BOOKSALE, kung saan sa halagang 5 pesos eh makakabili ka ng libro! Yung tipong kahit di mo naman bibilhin pwede mo paring basahin sa loob. Dyan ako madalas tumambay lalo na nung nasa kolehiyo pa ko. Simula ng magbukas ang branch ng BOOKSALE malapit sa pinapasukan kong Unibersidad, masasabi kong isa ako sa labas pasok sa naturang Bookstore. Isa rin ako sa mga naunang customer. Tanda ko pa, bago ako pumasok noon, lagi akong tumatambay dyan. Inaagahan ko talagang pumasok para lang makapagbasa ng libro sa Bookstore na yan. At kapagka bakanteng oras ko, dyan ako tumatambay talaga.

Ang kainaman, gaya ng sinabi ko kanina, pwede kang magbasa kahit di mo naman bibilin. At kahit na ba SALE ang mga libro dyan, may mag pagkakataong wala akong budget para ipambili, kasi noong mga panahon na yun napupunta pera ko sa school projects. Kaya ang diskarte ko, “tumambay at basahin ang librong gusto kong bilhin.”

Ang saya lang kasi pwede kang maupo sa sulok. Tapos nakakamangha ang presyo na sobrang baba. Kaya kung may bente pesos na ako noon, aba makakabili na ako ng magandang libro.

Isa nga sa hindi ko malilimutan sa Bookstore na yan e noong nagsaboy ng pera sa  mga staff nila. Ayun, ang dami kong nakuhang mga barya. Swerte kasi dadalawa lang kami ng kaibigan ko noon sa loob ng store. Yun pala may pa blessing kaya nagsaboy sila ng pera.

Eh ngayon? Sa sobrang busy sa trabaho, gawa ng BUHAY MEDIA, hindi ko na magawang bumisita sa Bookstores. Nakakalungkot. Nakakamiss yung mga panahong iyan. Nakakamiss yung amoy ng mga libro. Haaaaaaaaaaaaaaaaaaay! 😥 Alam ng pagong kung gaano ko namimiss ang ganyang moments. 😥

#THROWBACKDRAMA na itooooo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s