#ShortHairProgram

Image

Sa tuwing nakikita ko ang picture na to, naalala ko ang long hair days ko. Nakalimbag na ito sa kasaysayan ko. Ang picture kasi na yan ay ang alaala o reminder ng ‘Longest Hair’ I’ve ever had sa 22 years of existence ko.

Ano bang kwento sa likod nito?
 
Rewind. Rewind.
 
Yes. Apat na araw. Apat na araw bago ko tuluyang ipagupit ng super short ang long hair ko. Noong una, hirap na hirap pa akong magdesisyon. Kasi inaalagaan ko yan, minahal ko yan. And actually since I was bata lagi akong short hair. Lagi akong pinapagupitan ni mama ng Princess Sara Haircut. Sht those days. hahahaha. Kaya nasabi ko sa sarili ko na paglaki ko o pag naging dalaga na ako, papahabain ko hair ko like Dyesebel or Sleeping Beauty but definitely not like Rapunzel.
 
Abot kamay ko na dapat  nung 4thyr HS ang pagkakaron ng long hair, kaso sinira nung babae sa saloon pangarap ko to have long hair. Lampas shoulder na haba ng hair ko nun, so since may split ends. Nagpatrim ako. Napakaliwanag ng pagkakasabi ko sa nag-gupit e. Ang sabi ko trim lang tapos leche ang ginawa pinutol ng pagka ikli ikli.
 
&**^%$&*&^* mo! Yes napamura ako sa isip ko nun. Leche, back to  Princess Sara Haircut days ang peg ko. Hanggang ngayon palaisipan parin kung kinontrata ba ni mama yung nag gupit saken at sinabi nya na iklian kahit sinabi ko lang na trim. Hehe. Kasama ko kasi si Mama before. And ang tumatak sa isip ko was ayaw ni mama ng sobrang long hair saken.
 
Okay. Okay. Okay.
 
College days ko lang na pursue yung pangarap ko to have long hair.  Alam mo yun, ang sarap pala sa feeling ng long hair e. Yung bawat galaw mo e dumadampi sa arms mo yung hair mo. Tapos when I run, sumusunod yung hair and ang sarap magsuklay. Yung aabutin mo yung hanggang sa dulo ng buhok para masuklay. Tapos pag may malakas na hangin ang saya saya ng effect. That feeling is so awesome! Hahahahaha.
 
Pero aside sa baliwan na dahilan ko, may mas malalim pang dahilan kung bakit ayokong magpa pagupit ng maiksi. Ayoko ng sabihin at ipaliwanag sa’yo kung ano yun.
 
“Promise, forever long hair ako.” Yang mga katagang yan. Alam na. Huwag kang tanga.
 
K.
 
Fast forward 16x.
 
September 1, 2013. Hahahaha. Matapos ang halos walang humpay na pag-iisip gabi gabi at sleepless nights. Finally desidido na talaga akong magpashort hair. Pero teka gaano ka short? Bagay ko kaya? Hala paano kung hindi? Those questions kept on tormenting me.
 
Hanggang sa…..
 
I went sa mall para magpagupit. Around 5pm na yun, inabot na ako ng hapon kasi parang undecided parin ako. First time ko tong gagawin sa buhay ko.
 
Pagdating ko, ay grabe paikot ikot ako. Hindi ako mapakali. Nariyang bubuksan ko yung door ng saloon tapos aalis ako. Hanggang sa nagpunta muna ko sa isang ice cream store at bumili ng Vanilla Icecream na pagkasarap sarap. Solb. Okay this is it na talaga.
 
Bumalik ako sa saloon. Noong nakaupo na ako tinanong ako ng babae (taga gupit) kung ano ang gagawin sa buhok ko.
 
Sinabi ko pakigupit ng maiksi, probably medium bob cut. Hahahaha I got confused. Maiksi tapos medium?!
 
Apat na beses akong tinanong, kung sigurado na daw ba ako, eh ang haba haba raw ng buhok ko. Sayang raw.
 
Gusto kong magmura that time. Hahaha Leche desidido na ako tapos may kontra pa. Hanggang sa wala syang nagawa dahil pinanindigan ko ang gusto ko.
 
I said, “Yes po ate, 100% pretty sure.”
 
Ayan na, nakaramdam ako somehow ng sakit habang nakikita ko yung hair ko falling from the floor. Oh longggggggggggg hairrrrrrrrrrrrrrrr ko!  😥
 
Wala na akong magagawa. Ginusto ko e. So ayun na nga, shoulder level lang ginawa nung babae, pero sabi ko iklian mo pa. Tinanong na naman ako kung sure ba ako.
 
Hindi ko alam kung saan ako nakakakuha ng ganoong emosyon.
 
Tapos na. Ito na resulta ng shortest hair ever ko. Ngayong dalaga days lang ha. Di counted ang childhood days.
 
From pretty long to short.
 
1378578_644701728884658_713073285_n
 
Ang gaan gaan na ng feeling ko. Parang narestart lahat e. Ang saya pala sa feeling ng magpashort hair. Tinext ko agad si Ate Pickles, ang taong sumuporta at nagpush sa akin to cut my hair short. Nag enrol kasi ako sa #ShortHairProgram nya hahahahaha.
 
Pagdating ko sa bahay, nanibago sila. Pero bagay ko raw. Lalo na nung sinabi ng tatay ko, “anak, mag short ka nalang palagi, bagay mo kasi.” Feeling ko ang ganda ganda ko naman. Hahahaha., Bibihira lang pumuri si Tatay, kaya naniwala na ako.
 
Ito namang Kuya ko, ang sabi nya. “Lek, dati ang pangit pangit mo. Ngayon dahil sa short hair mo pangit ka nalang.” Leche ano po? Hahaha. Ganyan talaga yan mang-asar, so dahil nga sa ang pangit pangit ko raw dati at ngayon ay pangit nalang ako. Natuwa ako. Somehow naging maganda ako hahaha. Isang pangit nalang kasi ang ginamit nya. 🙂
 
Moment of Truth na sa Office.
 
Ayun, #trending naman ang short hair ko. Lahat ng mga kaibigan ko sa office, nagulat. Puro positive comments naman ang naani ng short hair ko. Wala naman akong pakialam kung totoo yun o pambobola. Basta bagay ko raw talaga. Hahaha. Okay.
 
Tinanong nila, kung bakit ako nagpashort hair. Sagot ko lang “For a Change”.
 
Ang hirap kasi minsan na magpaliwanag lalo na kung ayaw mo namang sabihin ang buong detalye. Baka kung saan pa mapunta.
 
Makalipas ang halos dalawang buwan.
 
Ito na yung naging hair ko. Bilis humaba e no?
 
Umani to ng maraming likes sa facebook and positive comments narin.  May caption na “For a Change.” Bagong gising ako nyan ng hapon, credits kay bunso. Sya ang kumuha nito. Sya rin sa longest hair ever ko. 🙂
 
Image
 
November. December.
 
Ganito na naging hair ko after few months with my mentor Ate Pickles. Hahaha. I owe her a lot dahil sa #ShorthairProgram nya 🙂
 
Bilis humaba ano po? 🙂
 
at
 
December 22, 2013.
 
Sa biglaang pagkakataon, nagpagupit ulit ako ng maikili. This time hindi na achieve yung gusto ko. Ewan ko ba kung bat kating-kati ako sa pag papagupit hahaha. Epekto ito ng #ShortHairProgram ni Ate Pickles. Hehehe.
 
Sinabi ko kay Ate Pickles na wa ko bet ang gupit ko, at ayun dahil sa love na love nya ako. Sinuportahan nya ako. Naghanap sya sa google ng sample short hair na pwede kong gayahin, Oh diba? Hahahaha. Napaka supportive na ate.
 
So ito na. Ang arte lang. May flower crown pa. Hahaha. Selfie kung selfie. Credits sa Boyfriend ni Ate Pickles na si Bok Mark sa flower crown hahahahaha.
 
Image
 
Oha. Oha. Holidays! Ito naman picture with my mentor Ate Pickles, with my short hair again. Hehehe. Dalawang araw at Isang araw bago ako nagpagupit ulit.
 
#NewsroomMoments #ShortHairProgram
 
Camera 360 Camera 360
 
 Camera 360 
 
So ito na..
 
December 28, 2013.
 
Wala pa mang one week, nagpashort hair ulit ako. Hahaha. Sinamahan ako ni Ate Pickles, sa mumurahing parlor. Well at this time masasabi ko na nachieve ng mga fairy ang bet kong hairstyle. Clap Clap Clap. Binigyan ko naman raw ng kunwaring tip si fairy hahahaha. Feeling #richkid.
 
Ito na ang resulta.
 
Camera 360
 
January 14. With my mentor at CEO & Founder of #ShortHairProgram Ate Pickles. 🙂
 
12203839695_7db94e64a3_o
 
 
 
Camera 360
 
Solo ko naman. 🙂
 
1797245_687697884585042_931926301_n
 
 
Bakit nga ba nagpapashort hair ang isang babae?
 
Dahil broken hearted? Nagtitipid ng shampoo o conditioner? Iwas hassle? Trip Trip lang?
 
Kaniya-kaniya ng dahilan.
 
Pero kadalasang naiisip ng lahat ay dahil “broken hearted”. Pero sa  realidad kahit magpakalbo ka pa, yung sakit na iniwan sayo ng past relationship mo o kung ano pa mang trahedya ang dumating o pinagdaraanan ng isang babae ay hindi naman basta basta lang mawawala in an Instant o sa pamamagitan ng pagpapashort hair.
 
Ako, nagpashort hair  kasi gusto kong mabago lahat.
 
Aminado ako part of it was when I really got hurt. Sabi ko sa sarili ko, everything that reminds me of that someone kung kayang alisin dapat alisin na. So I just did. And I could tell na gumaan yung pakiramdam ko. Feels like narestart lahat. Feels like kasama sa naputol sa hair ko yung pains and heartaches.
 
Ang happy at gaan ng feeling. Yan yung nangibabaw eh. No wonder ngayon kung bakit maraming nagpapashort hair kapagka broken sila. Kasi may ganyang feeling kang mararamdaman.
 
Ika nga ni Coco Chanel ” A woman who cut her hair is about to change her life. ” I might as well agree with her.
 
I could also tell na since nagpashort hair ako maraming magandang nangyari saken, whether nagkataon lang ito or what , well atleast it  all happened sa point ng life ko na “short hair’ ako. 🙂
 
Mas maraming naka appreciate sa akin na before eh hindi ko mapansin-pansin.
 
Natuto ako.
 
Dahil sa short hair ko nakakilala ako ng  bagong tao na nagbibigay ng saya sa akin ngayon.
 
Wala akong pinagsisisihan.
 
Humaba man ang buhok ko at dumating sa punto na ayokong gawing short hair, wala akong pag aalinlangan kasi lahat ay nabago na.
 
Wala na yung dati. Lahat ay bago na. At bawat hibla ng buhok na naputol noong nagpagupit ako ay hindi na maibabalik pa, bahagi na iyon ng nakaraan. 🙂
 
PS:
 
Mabuhay sa #ShortHairProgram mo Ate Pickles. Hehehe Mas marami ka pa nawang mabigyan ng inspirasyon! Hahahaha. I loveeeeeeeeee youuuuuuuuu ate! 🙂
 
 
 
 
 
 
 

 

Advertisements

2 thoughts on “#ShortHairProgram

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s