Tama sa’yo.

Image

 

May mga lalake parin pala ngayon na naiinlove o nagkakagusto sa mga babaeng simple at disente. Yung tipong hindi mo na kailangan pang maki uso o makipagsabayan sa paiklian ng damit o pakapalan ng make up para lang lagi kang magmukhang maganda sa mga mata nya at sa mga tao sa paligid nya. Kasi para sa mga lalakeng yun mas simple mas maganda. Mas disente mas respetado. 

Nakakainis lang isipin minsan na yung iba pag sinabi mong may gf o bf ka ang itatanong agad “maganda ba? gwapo ba?” bakit hindi nalang “mabait ba?'”. Aanhin mo nga naman kasi ang pagkaganda ganda o pagka gwapo gwapo kung manloloko naman? Kung iiwan at paglalaruan ka lang, hindi ba? Kung anong iginanda ng mukha sya naman ang ikinapangit ng ugali. Na kahit lunukin pa ang make up o ano mang pampogi e wala ng ikakaganda ang ugali. Wag ganun.

 

Dapat laging budget e. 50% sa mukha. 50% sa ugali. At wag pampisikal na anyo ang dapat na tinitignan o minamahal.

Paano pag hindi ka na maganda o gwapo? Iiwan mo na sya? Iiwan ka na nya. Ang pagkakaroon ng gf o bf ngayon e hindi nakukuha sa pwedeng irampa o pwedeng ibida, kasi pag nagkataong iniwan ka nyan, mairarampa mo ba o maibibida ang sakit na iniwan sayo? Hindi no. 

Kaya tignan mo rin yung panloob na katangian. Piliin mo yung taong mamahalin ka ng tapat. Tanggap kung ano ka o kung sino ka. 

Yung tao maipagmamalaki ka sa kung ano ang estado mo sa buhay. 

Yung taong handa ring mahalin yung mga magulang mo gaya ng pagmamahal nya sa kanyang mga magulang

Yung hindi ka ikakahiya. 

Yung ipaglalaban ka basta nasa tama ka.

Yung ikaw parin ang pinakamaganda o gwapo sa kanya kahit na bagong gising ka at magulo ang buhok. 

Yung taong hinding hindi ka iiwan kahit na anong pagsubok pa ang dumating sa inyo. Sa hirap o sa ginhawa, ika nga.

Yung handa syang samahan ka at suportahan sa byahe ng buhay mo.

Yung taong kayang kaya kang pasayahin sa simpleng paraan. 

Yung taong hindi lang basta matatawag na gf o bf kundi pwede ding maging bestfriend all in one.

Yung taong hinding hindi susuko. Hinding hindi manloloko. 

Yung taong totoo sa kanyang sarili.

Yung taong mamahalin ka hanggang sa byaheng forever at gusto kang maging asawa at maging  nanay o tatay ng mga magiging anak nyo; at magsasama kayo hanggang sa pagtanda hanggang sa parehong maputi na ang inyong mga buhok.

At higit sa lahat yung taong may takot sa Diyos.

 

Kapag nahanap mo na sya, huwag mo ng pakawalan. :)) Pahalagahan mo na at ingatan :)) Huwag ng lumingon sa iba. Mahirap yang mahanap 🙂

 

When you find someone that you want to spend every day with & could love forever, hold on to them because that’s a once in a lifetime chance. ♥♥♥

 

Image

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s