Barako e.

Image

Hindi ako nakatulog last night. Daig ko pa ang problemado. Lakas kasi ng tama ko sa Kapeng Barako. Papaano kahapon, for the first time in forever tinimplahan ako ni Ate April (officemate and a friend) ng Hot Coffee- Cafe De Lipa. Kapeng barako, kaibigan.

Since sobrang lamig sa Newsroom dahil sa aircon na yan  at machines na iniingatan. Tinaggap ko yung alok ni Ate April, bukod dun kauna unahang alok nya sa akin ang pagtimplahan ako ng kape. So go ako.

No regrets. Ang sarap ng pagkakatimpla at feel na feel ko ang aroma ng kapeng barako. With LOVE kasi kaya perfect ang timpla. Around 4pm yun, at dahil nga sa sobrang lamig sa Newsroom aba saglit lang yung HOT Coffee naging COLD Coffee na.

Hindi ako pala kape. Mahilig lang akong magtimpla ng kape at langhapin ang Aroma, pero pagkatapos nun makakalimutan ko na na may kape pala akong dapat ubusin. Kaya nga sa bahay, laging nagagalit si MAMA pag mag a-attempt akong magtimpla ng kape. Madalas nyang sabihing, “Sinasayang ko lang.” Ewan ko ba kasi kung bakit hindi ko inuubos. Tatlo o limang higop lang wala na. Iiwan ko nalang basta sa la mesa.

Kaya naman kahapon, di na ako nagtaka na inabot pa ng hanggang 7:55pm bago ko naubos yung kapeng barako. Kung hindi lang ako inaya ni Ate April para samahan syang maghugas ng Mugs, oh well baka hindi ko na naubos yung Barako.

 Last shot. Sarap ng malamig na kapeng barako.

Lakas din ng tama nito sa akin. Usually pagdating ko ng bahay, antok na antok na ako. Pero last night hanep na yan. Wala e. Ginawa akong ZOMBIE. Baliktad ako ng baliktad sa BED, iniisip na inaantok ako pero wala talaga. Pinilit kong matulog, nakapikit ako pero gising na gising yung diwa ko.

Bumangon ako before 5am kanina para sumamba pero wala di parin ako nakaramdam ng antok. Pag uwi ko ng bahay ganun parin. Usually pagdating ko ng bahay galing kapilya, natutulog pa talaga ako. Eh kanina, NGANGA! Buhay na buhay ang diwa.

Pero pagdating ko ng office. Hello Newsroom. Pag upo ko sa workstation ko, nakaramdam na ako ng pagka antok. ALAM NA! 🙂

At dahil nga sa inaantok ako tinatamad akong magsulat ng news and all. 😀 Pero nagawa kong isulat ang blog post na to.

 Time check. 1:11pm. Haaaaayyy 7hrs pa bago makauwi. Pakibilisan ang pag ikot ng oras pleaaaseeee. 

 Antok Level: 100,0000

 I need you bed. I need you bed. (laman ng isip ko). 

 Haaaaaaaaaaaaaaaay! INOM KAYA ULIT AKO NG KAPENG BARAKO? Para hindi antukin ngayon?

 Now, that is the QUESTION.

 Sleepy head.

zzzzzZZZZZzzzzzzzzz 

 Image

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s